BIONOTE: Let Me Introduce Myself


  Bea Marie R. Potane, ang buo kong pangalan at ako ay kasalukuyang naninirahan sa Montevista, Davao De Oro. Sa ngayon, ako ay nag-aaral bilang isang  grade 12 student sa strand ng abm (accountancy and business management) sa Assumption College of Nabunturan.

  Bata palang ako ay kinahihiligan ko na ang pagsasayaw. Sa tuwing may mga dance contest na gaganapin sa aming baranggay,  sumali ako kasama ang aking mga pinsan o di kaya ay ang aking mga kababata. Nanalo kami paminsan-minsan, ngunit mas madalas ay pumapangalawa lang kami. Ganun pa man, hindi ito naging handlang sa pagpatuloy ko sa pagsasayaw. Ginawa ko itong motibasyon para magsumikap at pagbutihin pa lalo ang aking kasanayan sa pagsasayaw.

   Napabilang din ako sa isang isang grupo ng mga kabataan na kumanta sa simbahan ng saint monica parish, mas kilala ang aming grupo bilang bagong sibol choir. Ito ay naging daan upang mahasa din ang aking kasanayan sa pagkanta. Hindi ako pinanganak na may magandang boses, gayun pa man nakakakanta ako na nasa tamang tono at naniniwala ako na sa pamamagitan ng pagsasanay ay makakakanta din ako na para bang isang propesyonal na mang-aawit. Maraming pagsubok ang dumating at marami din ang kumuwestiyon sa talento ko, pero hindi nila ako matitibag dahil alam kong meron akong angking talento.

Comments